Thursday, September 11, 2008

Ka-Bizyonaryo, Entrepreneur Ka Ba?

I just wanna share what I've accidentally seen on the net. It's very inspiring. Come on and take the time to read. It's inspires me too. and it goes like this:

Ka-Bizyonaryo, Entrepreneur Ka Ba?

Sa daigdig ng pagnenegosyo sa ating bayan. Ang mga nakararaming maliliit na negosyante ang pinakahirap. Kulang na sa capital, wala pang substantial support mula sa ating government. But as true entreps, we don’t care. We are going to pursue our dreams for our loved ones and our beloved country. After all, this is our dream not theirs. Tayong mga entreps are morally obligated sa ating mga sarili at sa mga mahal sa buhay na abutin ang ating mga pangarap even without help from the government.

Sa Harvard Business School (HBS), students were asked kung ano ang meaning ng entrepreneur, very enlightening ang mga sagot nila at ang definition ng HBS Community pioneered by HBS's Howard Stevenson ay ganito;

"Entrepreneurship is the relentless pursuit of opportunity without regard
to resources currently controlled."

Kung pakaiisipin, malalim ang ibig ipakahulugan nito. Lapat na lapat ang definition na ito sa mga maliliit na negosyante sa ating bansa. May dalawang bahagi ito na mabuting suriin natin.

Una, ang walang patid na pagtugis sa opportunity. Entreps will never stop pursuing, he will continue to strive, kung minsan pa nga gagawa sya ng mga paraan just to create opportunity. Kahit gaano pa ka-elusive ng opportunity, you should not waver. Entreps are like miners, naghuhukay sila para minahin ang ginto sa mga bundok. Gumagawa ng mga tunnel na madadaanan. Hukay dito hukay dun, makuha lang ang kapirasong ginto. Nananatili at nagpapatuloy, kung minsan nga, pagod, gutom at kamatayan sinusuong upang ialay ang tagumpay sa mga minamahal.

Pangalawang bahagi ay ang pagwalang bahala nya sa kung ano mang resources mayroon sya. Kung minsan kasi kapag nagfocus ang isang entrep sa kanyang resources na kulang o maliit, madidiscourage na sya at titigil na. Gagawing dahilan upang di na ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang mga pangarap ang mga kawalan nya ng resources. Ang maliit o kawalan ng capital, walang tinapos na pag-aaral, walang sasakyan, wala nito, wala noon, etc.

Di mahalaga sa ating tagumpay ang mga ganitong bagay. Tulad ng tubig, na patuloy na hahanap ng dadaluyan, kahit pigilan mo pa, na gagawa at hahanap ng paraan upang dumaloy, ay ganito din naman ang tunay na entrepreneur. Malikhain at maparaan di titigil at magpapatuloy hanggang makamit ang tagumpay. . . Tanong ko sayo ngayon. . . Entrepreneur ka ba?


Ang inyong Ka-Bizyonaryo,

Bayanihan

special credit and thanks to:
http://www.bizyonaryo.com/forum/viewtopic.php?p=109

No comments:

Post a Comment