"May mali ako, may mali rin siya. Masungit siya na wala sa lugar, situations like that she should know how to show concern over her tenants." Naiwan ang susi sa loob ng bahay, etong dalawa naghanap ng paraan kung papaano mabubuksan sa pamamagitan ng mahiwagang panungkit.
Unfortunately, it didn't went out good. The key dropped into an unreachable spot. "Wala nang ibang way, kung hindi gisingin at humingi ng tulong sa ubod ng sungit na landlady.". Nag-doorbell. Isang press lang kasi masungit talaga may-ari ng bahay. Di sumagot. Ang sabi ko ,"Ikaw makipagusap dyan hindi ako, ayokong makipagusap dyan." Ayoko kasi mapagalitan. Alam ko kasalanan ko rin naiwan ko ang susi eh sobrang ginto sa kanya ang susi at pagtulong sa kapwa ay napakalaking istorbo sa kanya.
"I will proove to myself, never again will I rent, never again will I beg if I can't pay the monthly bills. No more shame, no more tears to shed." Ito ay isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan. Sana sa oras ng burol ko, banggitin nila ito. Mga hinanakit na hindi ko sinasabi, tanging ang blog lang na ito ang witness. Wala rin naman mangyayari, hindi rin ako kakampihan ng taong dapat to stand on me side by side. Kung sabagay, problema nga ng pamilya ako lang ang nasalo. Para bang walang pakialam kahit na walang kainin, walang pang-rental, walang pambayad. Ok lang it makes me a better person pero mahirap ang pinagdaraanan. Sana makayanan ko.
Bakit kung minsan ibang tao pa ang higit na nakakaintindi? Bakit kung minsan ibang tao pa ang higit na nakakakilala sa akin? yun bang kaya akong sabayan sa mga "childish acts" ko. Bakit kung minsan ibang tao pa ang mas nakakaintindi?
At hindi lang yon, pinahiya nya pa ako sa harap ng kaibigan ko na nakitira sa amin kasi baha sa kanila. Hindi niya alam nakikisama ako, syempre kasama sa negosyo. Eh saan kami pupulutin kung wala akong trabaho? Ni ayaw nga niya mangutang, nagalit pa sa akin minsan nung pinipilit ko. Kulang na lang ibenta ko ang katawan ko para kumita ng pera (pero wala naman papatol sa akin) tsaka hindi ko rin ata kaya iyon. Nakaktakot baka mamatay ako.
Sana lang kaya ko pa ibalik ang nakaraan so that I can make a better decision. Sana lang single na lang ako, at least nanay at tatay ko lang pakikisamahan ko. At tsaka mas matutulungan ko pa sila syempre sila lang magiging priority ko. Hay buhay may-asawa, magsasawa ka rin pala...
Itong mga nangyaring ganito, ok lang sa akin. Kung mamatay ako hiling ko lang na basahin ninyo at sambitin ang mga ito. Pero nais ko ipabatid sa inyong lahat, bagamat nangyari ang mga bagay na ito, still pinatawad ko na kayo. Wala na rin akong magagawa, nangyari na. Magpatawad na lang. Hindi pa tapos ang Lord sa akin, sa oras na kuhanin Niya na ako, un na siguro ang perfect time. Goodbye Nanay. Goodbye Tatay. Goodbye ate and che, goodbye sa inyong lahat. Sana naging maganda ang naiwan ko sa inyo. Sa lahat ng pagkukulang ko, patawarin ninyo ako. I cannot do everything, but I can do a lot. See you in heaven.
No comments:
Post a Comment