sa tuwing bibisita ako sa aking mga magulang, lagi akong napapaluha, naaawa, nagsisi. sana nabigyan ko muna sila ng magandang bahay at lupa bago ako nagasawa. sana mas malaki ung naitutulong ko sa kanila sa oras ng kanilang katandaan. sana mas maipakita ko pa ng higit ang pagmamahal at respeto ko sa kanila. di lang nila alam na kahit isusubo ko na kaya ko pa ibigay sa kanila. ganun ko sila kamahal kaya kahit sa simpleng paraan nais kong ipakita sa kanila na ako ay nagpapasalamat sa Lord binigyan ako ng mga magulang na kagaya nila.
kailan ko pa sila tutulungan? pag patay na sila? pag pantay na paa nila? hindi na nila makikita or mararamdaman un. hindi na rin nila mapapakinabangan ang tulong ko. alam ko hindi rin ako naging mabuting anak sa kanila, marami akong pinagsisihan. marami akong nagawa na nagbigay ng pasakit sa kanila, lalo na nang maaga akong nagasawa. hindi dahil sa buntis ako or what, kundi dahil sa nais ko na rin ituwid ang mga pagkakamali ko.
anyway wala na ako magagawa. kasal na ako pero gayunpaman buhay pa ako. pwede pa ako makabawi. sa ilang taon na nawalay ako sa kanila buhat nang nagasawa ako, dun ko naranasan ang makisama sa ibang tao. duon ko nadama na iba pa rin ang nasa piling ng magulang, parang secured ka kumbaga, parang isang bata pagkasama ang kanyang magulang ama at ina, para bang siya na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo. no worries, ika nga.
sa mga kapatid ko alam ninyo hindi lang ako makapagsalita sa inyo, baka kasi isipin ninyo na nagmamalaki ako. baka kasi isipin ninyo na feeling ko laging tama ako. pero tama na. sana mahalin na natin ng lubusan sila nanay at tatay, maigsi lang ang buhay. hindi natin alam kung anong kakaharapin natin pagdating ng bukas. hindi natin alam kung bukas o sa makalawa magkikita pa tayo. sayang ang mga pagkakataon na pwede nating maipadama sa kanila na mahal natin sila.
ako bilang nawalay sa inyo ng ilang taon din, sobrang namiss ko kayo. sobrang ginusto ko na kung pwede ibalik ko na lang ung panahon for me to make better decisions. pero wish ko lang yon, hindi ko naman kaya ibalik ang mga pagkakataon na iyon. sana wag ninyo nang danasin na mawalay pa kayo kila nanay at tatay bago ninyo maunawaan ang halaga ng pagmamahal at pagaaruga nila.
umiiyak ako habang sinusulat ko ito, sobrang gusto kong sumigaw. gusto kong magmakaawa sa inyo at makiusap na wag na tayong magbigay ng anumang pasakit kila nanay at tatay. sa prayers ko na lang dadaanin i believe tutugunin ako ng Lord.
hindi ninyo lang alam na lagi ko kayong pinagpe-pray kahit kila lola sa tuwing mababalitaan ko na nagaaway-away sila, lagi ko na lang dinadalangin sa Lord na iparanas niya sa Frani family ang tunay na pagmamahalan, pagkakaisa, pagtutulungan at pagdadamayan. Praise God tinutugon niya, pinapatunayan ng Lord. Aantayin pa ba nating maulit ang kamatayan ni Uncle Rol na namatay siya ng walang kibuan, walang ganap na patawaran sa isa't - isa. siguro ito ung papel ko sa buhay, ang ipanalangin ang ating pamilya.
sa oras ng burol ko, nais ko sana na iparinig ninyo ito sa mga nakikiramay sa atin. ayokong makita kayong iiyak, o manghihinayang sa buhay ko, o magsasabing "bata pa siya, kinuha na siya agad anoh." may purpose o layunin ang Lord, alam Niya kung kailan Niya ako kukuhanin. pero sana bago dumating ang oras na iyon, nagawa ko na ang misyon ko sa buhay.
honestly, hindi ko pa alam kung papaano ko sasabihin sa inyo na minsan tinangka ko na ring kuhanin ang buhay ko, magpakamatay. sinabi ko rin sa Lord na kung paghihirapin niya lang ako at laging ganito ang buhay, mabuti pang huwag na lang Niya ako bigyan ng anak kung hindi ko rin kayang buhayin.
walang nakakaalam nito, kahit asawa ko or kahit ung mga kaibigan ko. nilihim ko dahil pinagsisihan ko ang araw na iyon na gusto ko nang kunin ang buhay ko.
sana huwag ninyo akong tularan. maximize nating ung time with our family, show them the love and care they deserve while there is are lots of chances.
we may never know when, where, and how our life will end. isa lang ang buhay. minsan lang mabuhay, ito ay isang regalo ng Panginoon na nais Niyang gamitin natin sa mas mahalaga at kapaki-pakinabang na buhay.
sa mga kapatid ko, sana tumino na tayo. sana maging mabuti tayong anak kina tatay at nanay para sa bandang huli wala tayong pagsisihan.
see you all in heaven!
nakakaiyak naman ang kuwento mo, pero maraming salamat kaibigan marami akong natutunan. sulat ka pa ulit.
ReplyDeleteBroke my heart reading this,.......
ReplyDelete