"Sana single pa rin ako. Sana namili ako ng talagang gusto ko. Sana di ako nagkamali at nabigla sa kasal ko"
Yes, honestly these passages keeps lingering on my mind today. I missed church today, though I know my week won't be complete but I traded to pacify my negative feelings.
I know that is bad not to go to church. I know I won't be recharged. I know I won't be victorious. I've felt that there is guilt inside of not attending the church service today. But I with my hard headed heart, I choose not to.
Makaka-church sana kami kanina kung di lang nagkaroon ng disagreement. He said no, we will not attend so I just said, "Ok, no church today." Lagi na lang daw ako every sunday nanunumbat. Ayoko kasi ng late sa church, ang katwiran ko minsan lang mag church tapos late pa. Nakakahiyang pumasok sa church na pawisan tapos makikipagsiksikan ka pa sa mga taong nagpupuri na sa Panginoon at andun na sila sa state ng concentration sa pagpupuri at pagpapasalamat sa mga pagpapala sa kanila ng Panginoon.
Ok, if its my fault that's it. Pero tinanong nya ba sa sarili niya, kung gusto ko talagang lumipat sa WOH at bukas ang loob ko sa paglipat. I missed my friends. I miss the ministry of teaching young kids about Bible stories. These are the things I just traded just to "be submissive to your husband." I'm tired. I cried, dahil hindi ko na magawa ang mga bagay na once in my life ay ginusto kong gawin.
I can say that my pillars of prayer and devotion was falling. I am not that a "private worshipper" anymore. I stop from growing. Wala akong ibang masabihan nito kungdi ang blog na ito.
Mga kapatid nya kampi sa kanya. Pagka nga magpapapicture kami sa rooftop lalo na't may okasyon pag nakita nilang niyakap ko si Felix agad silang tumatalikod. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahihiya sila sa akin dahil walang trabaho ang kapatid nila at ako ang kumakayod o dahil hanggang ngayon hindi pa nila tanggap na ako ang asawa ng kapatid nila. Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nang isauli ang kapatid nila.
Napapagod na ako. Naiinggit ako sa mga kakilala ko na silang mga ama ng tahanan ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Meron silang desisyon at lakas ng loob upang itaguyod ang kanilang pamilya. Ilang taon ko na ring panalangin sa Diyos na tugunin nya ang aking hiling ngunit hanggang ngayong ika-10 taon na namin, ganun pa rin wala paring kasagutan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ayaw lang talaga ng Lord or napagod na Siya kakabigay ng pagkakataon at ang aking kabiyak ang problema dahil sa sobrang mapili sa anumang uri ng pagkakakitaan.
Ngayon, hindi ko na kaya ibalik ang mga panahon nung ako ay 23 anyos. Hindi ko na kayang baligtarin ang lahat ng mga naging desisyon ko. Nawawalan na ako talaga ng pagasa. Nawawalan na ako ng tiwala sa Panginoon. As much as I don't want to give up my faith, but it's really tempting.
I don't know Lord. I don't know if you really feel the way I'm feeling right now.
Ikaw na po ang humusga kung mali o tama ang pagalis ko sa sinalihan kong simbahan dati. Hindi ko alam kung tama pa ang ginagawa ko kung kaya't mabagal ang pasok ng pagpapala, minsan pa nga'y wala.
Ayokong sumuko kaya tulungan mo po ako, Panginoon. Please lang. Ikaw ang nagbigay sa akin ng aking napangasawa, kaya Ikaw rin ang magayos ng aming pagsasama. Hindi sapat na kaming dalawa ay parehas na nakakilala sa Iyo, hindi sapat na ako lang ang kumakayod. Gusto ko nman maranasan na ako ang nagbubudget ng malaking kita niya. Gusto ko naman na Siya ang magdala ng aming buhay. Pagod na ako, kung pwede lang na maging single ulet, pipili na ako ng tama.
Sorry, Lord but this is exactly how I feel. I've felt na dinaya mo ako. I've felt na pinaniwala mo ako na siya nga ang para sa akin. Hindi ko na kaya pa. Kung di rin ito maaayos, gugustuhin ko na pong kuhanin mo ako.